Home OPINION WALANG NAGRE-RESIGN, NAGHAHARA-KIRI

WALANG NAGRE-RESIGN, NAGHAHARA-KIRI

243
0

GAANO ba kakapal ng mukha ang mga korap at mandarambong na sangkot sa mga daan-daang bilyong anomalya sa flood control projects?

Ang malinaw na nag-resign lang ay si Philippine Contractor Accreditation Board Executive Director Atty. Herbert Matienzo ngunit dahil sa problema sa kalusugan.

Lumitaw sa mga imbestigasyon ngayon, lalo na sa Senado, na bukod sa mga multi-milyong halaga ng “accreditation at license for sale” ng PCAB, may mga nangongontrata ring taga-PCAB ng maaanomalyang imprastraktura, kasama ang ghost, substandard, abandonado at iba pang palpak na  flood control projects.

Kahapon, umabot sa Palasyo at Kamara ang bintang nina Curlee at Sarah Discaya ang mga mangingikbak sa kanilang mga ginawang anti-flood projects.

Isang dating presidential assistant ang pinangalanan ng mga Discaya.
Nasa 17 kongresman ang iba pang sangkot at itinuro ng mga bagman umano ng mga ito sina Speaker Martin Romualdez at Congressman Zaldy Co bilang mga bosing at pagbibigyan ng malaking bahagi ng kanilang kinukuha sa mag-asawa.

Si Co ang inginuso ni Navotas Rep. Toby Tiangco na nagkaroon ng P13.8 bilyong proyektong pang-flood control para ngayong taon ngunit hindi pa malinaw kung kuwestiyunable ang mga proyekto ng mga kompayang iniuugnay sa kanya.

Agad namang pinabulaanan ni Romualdez ang bintang at sinabi nitong wala siyang kinalaman sa mga pinagsasabi nina Discaya at may ilan na ring idinawit na kongresman ng mag-asawa na nag-deny rin.

Napakalinaw naman kung paano isinalaysay ng kontraktor na si Sally Santos kung paano ito naglalabas sa bangko ng mga bayad na ghost projects na trinabaho ng mga taga-Department of Public Works and Highways sa halagang nasa P50 milyon hanggang P240M at direktang ibinibigay sa mga district engineer ng DPWH Bulacan, partikular si Asst. District Engineer Brice Hernandez.

Sa gitna ng lahat ng ito, tila lalong kumakapit sa pwesto ang mga pinagbibintangan, maliban sa nag-resign at sinibak na sa pwesto.

Sa kabuuan, walang nagre-resign at lalong walang naghahara-kiri! Bakit kaya? Hmmmm!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here