MANILA, Philippines – Walang nanalo ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) draws noong Sabado, Disyembre 27, 2025.
Ayon sa PCSO, walang tiket ang tumugma sa lahat ng anim na numero sa Grand Lotto 6/55, kaya ang jackpot ay umabot na sa ₱258,798,014.20. Ang winning combination ay 41-16-45-20-52-01.
Sa Lotto 6/42 naman, walang manlalaro ang tumugma sa anim na numero 27-20-04-35-19-42, kaya ang jackpot na ₱15,202,187.80 ay patuloy na lalaki. RNT/MND