MANILA, Philippines – Walang nanalo sa alinman sa mga pangunahing lotto jackpot nitong Biyernes, Setyembre 5, 2025, inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang bettor ang pumili ng panalong kumbinasyon ng 47-36-19-38-29-20 para sa Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na P49,500,000.00.
Wala ring nanalo sa Megalotto 6/45 jackpot na P16,682,679.40, kasama ang winning combination na 04-34-31-25-18-41. RNT/MND