Home NATIONWIDE Walang pagtaas ng kaso ng super flu sa Pilipinas – DOH

Walang pagtaas ng kaso ng super flu sa Pilipinas – DOH

334
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health sa publiko na wala pang kasalukuyang mga kaso ng super flu sa Pilipinas, sa gitna ng mga ulat ng pagtaas ng mga kaso nito sa Estados Unidos at Europa.

Sa isang press conference sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) sa Marikina City, sinabi ng DOH na ang Pilipinas ay nakapagtala ng 41 kaso ng super flu AH3N o Subclade K mula Agosto 6 hanggang Oktubre 24.

Gayunpaman, ang mga pasyente sa mga kasong ito ay nakarecover na at walang mga aktibong kaso sa ngayon.

Bukod dito, walang naitalang mga kaso ng Subclade K bago ang Agosto 6.

Aminado si Domingo na ang Subclade K ay katulad ng seasonal flu at ang kasalukuyang 2025 influenza vaccines ay epektibo laban dito.

Sinabi naman ni Health Secretary Teodoro “Ted” Herbosa na ang pagtaas ng mga kaso ng Subclade K ay nangyari sa mga malamig na lugar na may winter.

Samantala, ang Center for Disease Control (CDC) sa Estados Unidos ay nag-ulat ng 14.8% pagtaas ng influenza cases noong mid-December, na ang super flu o AH3N2 ang pinakamadalas na naireport na virus para sa linggo.

Sinabi ng CDC na 89.8% ng kanilang 216 AH3N2 cases mula Setyembre 28 ay kumpirmadong Subclade K cases. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here