Home NATIONWIDE Zero tolerance vs indiscriminate firing ipatutupad ng PCG sa Bagong Taon

Zero tolerance vs indiscriminate firing ipatutupad ng PCG sa Bagong Taon

216
0

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng mahigpit na zero tolerance policy ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga tauhang masasangkot sa indiscriminate o celebratory firing ngayong pagsalubong sa Bagong Taon, bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa kaligtasan ng publiko.

Sa isang pahayag, muling iginiit ng PCG ang mahigpit na pagbabawal sa pagpapaputok ng baril ng kanilang mga tauhan sa panahon ng kasiyahan.

Binigyang-diin ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na ang indiscriminate firing ay isang mabigat na paglabag na may kaakibat na parusang administratibo at kriminal.

Ayon naman kay PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab, ang sinumang mapatutunayang nagkasala ay maaaring patawan ng parusang dismissal sa serbisyo, forfeiture ng mga benepisyo, at habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Dagdag niya, maaari ring sampahan ng kaso sa ilalim ng Republic Act No. 11926 na nagpaparusa sa sinadyang pagpapaputok ng baril.

Binigyang-diin din ng PCG ang command responsibility kung saan mananagot ang mga hepe ng yunit sa anumang paglabag ng kanilang nasasakupan.

Nilinaw ni Cayabyab na ang mga baril ay para lamang sa opisyal na tungkulin at lehitimong depensa sa sarili at hindi kailanman dapat gamitin sa selebrasyon.

Hinimok din ng PCG ang publiko na agad i-report sa pinakamalapit na tanggapan ng PCG o pulisya ang anumang insidente ng indiscriminate firing upang masigurong magiging ligtas at mapayapa ang pagpasok ng Bagong Taon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here