MANILA — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Batanes sa Huwebes, Oktubre 22, dahil sa inaasahang epekto ng Super Typhoon Rosal.
Suspendido rin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa lalawigan, maliban sa mga ahensyang nagbibigay ng essential at emergency services.
Inaasahang pinakamalapit si Rosal sa extreme Northern Luzon sa pagitan ng Huwebes at Biyernes ng hapon, ayon sa PAGASA.
Nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Batanes habang Signal No. 1 naman ang ilang bahagi ng Northern Luzon dahil sa bagyo.
Nagbabala rin ang weather bureau sa posibleng malalakas na hangin at pag-ulan habang papalapit ang bagyo sa extreme Northern Luzon.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko na bantayan ang mga susunod na abiso mula sa PAGASA at kani-kanilang local government units hinggil sa lagay ng panahon at karagdagang suspensyon ng klase o trabaho. RNT