Home OPINION WALANG PERMANENTENG KAIBIGAN SA PULITIKA

WALANG PERMANENTENG KAIBIGAN SA PULITIKA

149
0

NEWS flash! Naghain na  si dating Malabon city Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta lll ng kanyang  Certificate of Candidacy para kongresista sa lone district ng Malabon.

Ang desisyon ni Oreta na subukan ang kongreso ay ikinalungkot ng mga taga-suporta dahil mas ninanais nilang magsilbi ito  sa city hall kaysa sa Mababang Kapulungan.

Pero nilinaw ni Oreta, arkitekto  ng tinatamasang kaunlaran ngayon ng lungsod  na wala man ito sa city hall ay sa kongreso naman itutuloy  ang serbisyo sa Malabonians.

*****

Sa mundo ng pulitika – walang permanenteng kaibigan kundi permanenteng interes lang. Ito ay matagal ng kasabihan subalit subalit ito rin ang masaklap na katotohanan.

Sa tagal na ang inyong Chokepoint na nagmistulang ‘matang-kwago’ sa kalakaran ng pulitika natitiyak ko na ang kasabihang ito ay applicable hanggang ngayon at kung mayroon mang iilan-ilan na masasabing exempted sila ay ‘byword’ na ito at mabibilang lang sa daliri.

Klasikong halimbawa ay si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Moreno at incumbent Mayor Sheila “Honey” Lacuna – Pangan na magkaibigan at magka-alyado noong bagito pa lang sa pulitika ang una. Pero ngayon, sila ay magkaaway na.

Matagal na ang kanilang buhay-pulitika dahil si Yorme ay protege ng ama ni Mayor Honey na si Dating Vice Mayor Danny Lacuna. Nagsanib pwersa ang dalawa noong 2019 elections at tinalo ni Domagoso ang nakaupong alkalde na si former Mayor Joseph Estrada. Pero si Lacuna-Pangan ay bise alkalde na noon.

Abot langit noon ang pangakong hindi lalabanan pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, tatakbong mayor  si  Isko sa May 2025 election na ikinagulat ng unang babaeng alkalde sa Maynila.

Kung noon ay best of friends sina Kois at Lacuna, kabaliktaran ngayon dahil sila’y mortal enemies na kung pagbabasehan ang kanilang mga patutsada sa social media.

Lang’ya talaga! Kapag interes na ang pumasok sa kukote ng nag-uuring lingkod bayan ay isinasantabi na ang pagkakaibigan. Ganyan ang pulitika sa Pinas. Onli in da Pilipins!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here