Home OPINION MAGTULONG-TULONG SA PAGPAPAUWI NG OFWs

MAGTULONG-TULONG SA PAGPAPAUWI NG OFWs

197
0

BUO nating sinusuportahan ang pagkilos ng Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Foreign Affairs at iba pang mga ahensya ng pamahalaan na nagtutulong-tulong ngayon upang magsagawa ng pagbabakwit  sa mga Pinoy na gustong umuwi mula sa Lebanon.

Gayundin na buo nating sinusuportahan ang iba pang mga ahensya ng gobyerno na tumutulong din sa pagtanggap at pagbibigay ng suporta sa mga dumarating mula sa nasabing bansa.

Mahigit umanong 11,000 ang mga Pinoy sa Lebanon pero may nagsasabi namang baka doble o triple ang bilang ng mga ito sa rami ng mga nakapunta roon nang iligal.

Ang mga iligal na Pinoy roon ang isang malaking dahilan kung bakit ayaw ng mga may trabaho roon ang umuwi.

Pinapalitan agad sila ng mga iligal ng Pinoy sa pwesto o trabaho at kung gusto mang bumalik ang mga umaalis na Pinoy, wala na silang babalikang trabaho.

NAGBABAKWIT NA SILA

Hindi lang Pinas ang nagpapabakwit sa mga mamamayan nito upang maligtas sa kamatayan at iba pang kapahamakan at paghihirap dahil sa matinding giyera ng Israel, Hezbollah at iba pang mga bansa na sangkot.

Heto ang ibang mga bansa na nagbabakwit na ng kanilang mga sariling mamamayan.

Israel mismo na pinalilikas ang mga Israelita mula sa Beirut, kapital ng Lebanon.

Syria na may 1.5 milyong refugee sa Lebanon at Bulgaria na may 1,000 mamamayan at gumagamit na ng sariling eroplano.

Ang United States, may 86,000 mamamayan na pinasasakay sa mga komersyal at binabayaran sa pamasahe ngunit kanilang isasauli pagdating sa US.

Ang Australia na may 15,000 mamamayan at Canada na may 45,000-75,000.

Ang France na may 20,000 mamamayan at nagpadala na ng helicopter carrier o barko at ang United Kingdom na may 15,000.

Gayundin ang Germany na may 1,800 mamamayan na inililipad na ng military planes at Italy na may 300 national at 3,000 dual national na pinasasakay sa komersyal na eroplano.

Kasama rin sa nagpapauwi ang Turkey na may 14,000, Begium, Greece, Cyprus, Poland, Portugal at Japan.

DELIKADO SA BUHAY, HANAPBUHAY

Pumasok na ang mga pwersa ng Israel sa southern Lebanon at may madugo nang digmaan at dumarami na ang mga Israelitang namamatay sa mga ambush ng Hezbollah.

Nagpadala na rin ang Lebanon ng sarili nitong mga sundalo mismo sa hanggangan ng bansa nila at Israel at maaaring sisiklab na rin ang digmaan dito.

Nang magpalipad ang Iran ng 200 missile sa Israel para targetin ang mga base military ng Israel sa Tel Aviv, Jerusalem at Haifa, lalong tumindi ang giyera dahil bansa sa bansa na ang magbabakbakan.

Ibig sabihin nito, buong bansang Lebanon, Israel at Iran na ang tamaan ng mga panggiyerang armas.

Delikado ang buhay at ari-arian dito.

Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan nang magbakwit ang mga dayuhan upang maligtas sila sa kamatayan at iba pang kasiraan at paghihirap.

Kaya naman, hindi lang dapat ang pamahalaan ang kumilos upang makapagbakwit ang mga Pinoy kundi maging ang mga pamilya nila sa Pilipinas na kumumbinsi at tatanggap sa kanila sa kanilang pag-uwi.

Ang iba, hindi naman nagdadamot sa mga nangangailangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here