Home METRO 2 pulis sibak, isa pa suspendido sa mga nawawalang kabataan sa Imus,...

2 pulis sibak, isa pa suspendido sa mga nawawalang kabataan sa Imus, Cavite

230
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ng resolusyon ang Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Oktubre 2 na nagsisibak sa dalawang pulis at nagsususpinde sa isa pa matapos na mapag-alamang sila ang mga huling nakakita sa dalawang kabataan na napaulat na nawawala.

Nakakuha ang PNP Internal Affairs Service ng CCTV footage kung saan mayroong walong indibidwal ang nakaparada malapit sa convenience store sa Imus, Cavite bandang ala-1 ng umaga ng Hulyo 13, 2023.

Ang grupo, na may kasamang tatlong pulis, ay makikitang pinapara at iniinspeksyon ang isang motorsiklo na may dalawang pasahero.

“Itong grupo na ito ng mga pulis at yung mga taga-barangay na sibilyan, yun ang huling kasama nung dalawang bata na nawawala… Sila ay naka-sibilyan nung ginawa nila ito,” ani PNP-IAS Inspector General Brigido Dulay.

“Hindi authorized yung kanilang checkpoint. Dapat naka-uniporme ka, dapat malinaw ang mga senyales mo, mag poster na nakadikit na ito’y checkpoint… Lahat hindi ginawa,” dagdag pa.

Samantala, maaari ring maalis sa pwesto ang dating Imus police chief.

“Command responsibility… Siya yung may hawak ng dalawa na ito, yung dalawang pulis na nagsagawa nito… Kasama siya ruon, dahil yung statement niya sablay din,” dagdag ni Dulay.

Maghahain ng reklamo laban sa mga pulis ang mga kaanak ng biktima.

Samantala, ang mga opisyal ng barangay na nasa checkpoint ay maaari ring maharap sa criminal cases. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here