Home NATIONWIDE Arrest warrant vs asawa ng napatay na racer na si Enzo Pastor,...

Arrest warrant vs asawa ng napatay na racer na si Enzo Pastor, ibinalik ng SC

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema nitong Huwebes, Oktubre 3, na ibinalik nito ang arrest warrant at hold departure order laban kay
Dalia Guerrero Pastor, na inakusahang pumatay sa asawa nitong si Enzo Pastor, isang international racing champion noong 2014.

Sa desisyon, binaliktad ng SC Second Division ang ruling ng Court of Appeals (CA), na nagbabasura ng parricide case laban kay Dalia.

Ayon sa korte, binaril-patay si Enzo sa intersection ng Visayas Avenue at Congressional Avenue noong Hunyo 2014.

Sinampahan ng kaso ng prosekusyon si Dalia, self-confessed gunman at Police Officer II na si Edgar Angel, at Domingo de Guzman III bilang mga mastermind sa pagpatay.

Anang SC, naaresto si Angel at De Guzman habang nagtatago pa rin si Dalia.

Noong 2015, hiniling ni Dalia sa Court of Appeals na ibasura ang criminal case na inihain laban sa kanya.

Kinatigan ng CA ang panig ni Dalia at ibinasura ang reklamo dahil sa kakulangan ng probable cause.

Sinabi ng high tribunal na bagamat alam niya ang kasunduan sa pagitan ni Angel at De Guzman, hindi nito napapatunayang nakipagsabwatan ito sa kanila.

Sa kabila nito, sinabi ng SC na kailangan lamang ng ebidensya na ipakitang ang krimen ay isinagawa ng mga suspek. Hindi nito kailangan ng ebidensya ng “guilt beyond reasonable doubt.”

Para sa SC, mayroong sapat na ebidensya na tumutukoy kay Pastor bilang co-conspirator sa pagpatay. RNT/JGC