MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong kabilang sa 15 ang nasawi at 18 ang nasugatan sa aksidente ng funicular sa Lisbon.
“There are currently no indications of Filipino nationals involved in the tourist tram derailment in Lisbon,” ayon sa DFA, na nagsabing patuloy na nagbabantay ang Philippine Embassy sa Portugal.
Nadiskaril ang Elevador da Gloria noong Miyerkoles ng gabi at bumangga sa isang gusali, na ikinasawi ng mga turistang Portuguese, German, at Spanish.