Home NATIONWIDE Walang Pinoy na nasaktan sa lindol sa Taiwan – DFA, DMW

Walang Pinoy na nasaktan sa lindol sa Taiwan – DFA, DMW

MANILA, Philippines – Walang Filipino ang nasaktan sa magnitude 7.5 na lindol sa Taiwan, batay sa initial assessment ng pamahalaan.

Sa ulat, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na inabisuhan siya ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer in Charge Hans Cacdac na isang gusali sa Hualien ang lubhang naapektuhan at mas marami pa ang posibleng pinsala matapos ang malakas na lindol.

“Our Filcom in Hualien reported no injuries, [e]specially Filipinos as of this time,” ani De Vega.

“They are still reaching out to the Filcom communities to be sure,” dagdag niya.

Sa hiwalay na pahayag nitong Miyerkules, Abril 3, sinabi ng DMW na mahigpit nilang minomonitor ang sitwasyon ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Taiwan.

“The DMW’s three Migrant Workers Offices in Taiwan immediately activated protocols with Filipino communities, leaders, relevant Taiwan government agencies as well as employers and trade associations to ascertain the safety and status of Taiwan-based OFWs,” anang ahensya.

Sa datos ay mayroong kabuuang 67,475 OFWs ang nagtatrabaho sa Taiwan. RNT/JGC