Home ENTERTAINMENT Cristy, na-touched sa ina ni Sarah!

Cristy, na-touched sa ina ni Sarah!

Manila, Philippines – Taliwas sa mga naunang isprkulasyon, hindi si Richard Gutierrez o si Annabelle Rama ang kinasuhan ng ina ni Sarah Lahbati sa DOJ base sa ipinost nitong larawan.

Kung matatandaan, kasama ni Esther Lahbati ang kanyang asawa na nagpakuha ng litrato sa harap ng DOJ.

Mapapansing may hawak na dokumento si Esther.

Kaagad inisip ng mga netizens na baka ang respondent sa kaso nito’y ang manugang na si Richard sa usapin tungkol sa kostudiya ng dalawa niyang anak kay Sarah.

Kung hindi si Richard ay pinag-isipan din ang ina nitong si Annabelle.

But it turned out that it’s neither Richard nor his mother, kundi si Cristy Fermin at dalawa niyang co-hosts sa programang Showbiz Now Na.

Bukod kay Cristy, respondents din sina Romel Tsika at Wendel Alvarez.

Ayaw nang magbigay ng detalye ni Cristy kaugnay ng cyber libel na isinampa laban sa kanila ni Esther.

Nasa mga abogado na raw ‘yon ng magkabilang panig.

Despite having been charged, na-touch daw si Cristy sa pang-unawa ni Esther.

Bukod daw sa maayos nilang paghaharap sa piskalya sa Quezon City, willing maghintay si Esther ng availability ni Cristy et al sa itinakdang hearing.

Nagkataon kasing hindi pumuwede ang tatlong kinasuhan dahil napatapat ‘yon sa araw at oras ng SNN.

Samantala, kung dati-rati’y sa labas lang ng korte naghihintay ang complainant at respondent ay iba na raw ang sistema ngayon.

Ss labas na lang daw ng gusali nakaantabay ang mga taong sangkot sa kaso saka tinatawag ang mga pangalan.

Ani Cristy, hindi raw niya agad nakilala si Esther na nagkaedad ang hitsura at may tungkod pa. Ronnie Carrasco III

Previous articleLeon, sumagot sa bday greeting ni Dennis!
Next articleWalang Pinoy na nasaktan sa lindol sa Taiwan – DFA, DMW