Home ENTERTAINMENT Leon, sumagot sa bday greeting ni Dennis!

Leon, sumagot sa bday greeting ni Dennis!

Manila, Philippines- Kanya-kanyang pagbati ang itinawid ng dating couple na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla sa kanilang anak na si Leon.

Leon Marcux turned 21 nitong April 2, Martes.

“Love you mom!” ang sagot ni Leon sa birthday greeting ng ina sa Instagram.

In her post, tinawag na “gentle giant” ni Marjorie si Leon as well as son, brother and friend na puro superlative na “best” ang gamit.

Proud ang dating Viva star kung gaano kasipag si Leon sa kanyang pag-aaral.

Pinuri rin ni Marjorie ang anak na maaasahan sa mga gawaing bahay.

In a separate post, nagpaabot din ng pagbati si Dennis.
Namumutiktik din ito ng pagmamahal with matching heart emojis.

“Hope to see you soon!” naman ang umaasang kabuntot na linya ng post ng komedyante.

Parehong heartwarming ang mga mensahe nina Marjorie at Dennis.

There lies a glaring difference though na ewan kung sinadya o unintentional on Leon’s part.

Kung nag-“Love you, mom!” si Leon sa ina, kapansin-pansin na iba ang sagot ng birthday boy sa greeting ng ama.

“Thank you Papa.”

Very short lang ang sagot ni Leon with smily and praying hands emojis.

Matatandaang years ago ay binasag ni Leon ang kanyang pananahimik nang buweltahan niya si Dennis sa social media.

In the process daw kasi na ibinabahagi ng komedyante ang kanyang mga hinampo sa anak ay parang sinisiraan niya ang mga ito sa social media.

Si Leon ay isa sa tatlong anak nina Marjorie at Dennis, the two others being Julia and Claudia. Ronnie Carrasco III

Previous articlePDEA nagbabala vs pekeng operational documents na kumakalat online
Next articleCristy, na-touched sa ina ni Sarah!