MANILA, Philippines – Pinaghahanda ang mga residente ng Metro Manila, Cavite, at Laguna sa nakatakdang pagkawala ng kuryente mula Enero 21 hanggang 26 dahil sa mga gawain sa pagpapanatili ng Meralco.
Sa Dasmariñas, Cavite, maaapektuhan ang mga lugar tulad ng Via Verde Village dahil sa pagpapalit ng linya at pasilidad. Sa Malabon City, magkakaroon ng pagkawala ng kuryente sa Gen. Luna Street dahil sa pagpapalit ng poste at pagsasaayos ng linya.
Sa Laguna, maaapektuhan ang Santa Rosa City partikular sa Balibago Road para sa paglilipat ng mga pasilidad kaugnay sa proyektong kalsada ng DPWH.
Samantala, sa Quezon City, kabilang ang mga Barangay Tatalon at Doña Imelda, magkakaroon ng power interruption dahil sa pagsasaayos ng linya.
Sa Taguig City, maaapektuhan ang Bonifacio Global City dahil sa pag-install ng bagong pasilidad, habang ang Grace Park sa Caloocan City ay magkakaroon ng pagkawala ng kuryente dulot ng pagpapalit ng poste at linya.
Sa Enero 24, ang Bacoor City sa Cavite ay magkakaroon ng maintenance sa Queen’s Row Main Avenue na magdudulot ng pagkawala ng kuryente sa mga subdivision tulad ng Queen’s Row Area A at Madelaine. Ang Congressional Village sa Caloocan City at bahagi ng Meycauayan, Bulacan, ay mawawalan din ng kuryente sa Enero 25.
Pinapayuhan ng Meralco ang mga apektadong residente na magplano nang maaga at bisitahin ang kanilang website para sa mga update. Santi Celario