Home NATIONWIDE TOL: Hosting ng PH sa Afghan refugees, tama, makatao, kapuri-puri

TOL: Hosting ng PH sa Afghan refugees, tama, makatao, kapuri-puri

Ang desisyon ng Pilipinas na pansamantalang i-host ang Afghan refugee na nakaalis na patungo Estados Unidos, para kay Sen. Tolentino, ay “tama, makatao, at kapuri-puri.”

Ikinatuwa ni Senate Majority Leader Francis ‘TOL’ Tolentino ang balita na lahat ng Afghan refugees na pansamantalang pinatuloy ng Pilipinas habang pinoproseso ang kanilang special immigrant visa (SIV) applications para manirahan sa United States – ay nakaalis na sa bansa.

“Dumating sila at umalis sa ating bansa nang ligtas, maingat, at walang anumang hindi kanais-nais na pangyayari. Ang pagho-host sa Afghan refugees ay tama, makatao, at kapuri-puri,” sabi ng senador na patuloy na nagpahayag ng pagsuporta sa kasunduan ng Estados Unidos at Pilipinas na tulungan ang mga lumikas na Afghans.

Batay sa news reports mula sa US Embassy sources, ​​binanggit ni Tolentino na ang mga Afghan ay may bilang na “wala pang 200” – at hindi 300 gaya ng naunang inanunsyo.

“Dumating sila noong Enero 6 at umalis sa pagitan ng Enero 15 hanggang 17. Ang kanilang pamamalagi ay tumagal nang higit sa 11 araw, mas mababa kaysa sa 59-araw na panahon na sinang-ayunan ng ating gobyerno na ibigay sa kanila upang iproseso ang kanilang mga aplikasyon sa visa,” diin ni Tolentino.

“This gesture will be added to the Philippines’ long and respected record throughout history of providing temporary shelter for refugees escaping war, violence, or persecution,” idinagdag ng senador.

Binangit niya na ang bansa ay nagbukas ng mga pinto nito sa Russian refugees sa pagtatapos ng World War I; Sa Jewish refugees na nakatakas sa pag-uusig ng Nazi noong World War II; Sa Vietnamese “boat people” na tumakas sa Vietnam War noong Dekada 60; at ang pinakahuli, sa mga Rohingya refugee, isang walang estadong Muslim minority na tumatakas sa karahasan at diskriminasyon sa Myanmar. RNT