MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Malacañang ang face-to-face classes sa lahat ng antas at inabisuhan ang mga government office na magsagawa ng alternative work arrangements sa National Capital Region (NCR) at 14 na probinsya dahil sa masamang panahon dulot ng habagat.
Mga lugar na suspendido ang face-to-face classes:
Metro Manila
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Benguet
Zambales
Bataan
Tarlac
Pampanga
Bulacan
Cavite
Batangas
Rizal
Laguna
Occidental Mindoro
Pinayuhan din ang mga government offices sa mga nabanggit na lugar na magpatupad ng naaangkop na alternative work arrangements.
Samantala, maaaring magpatupad ang mga local chief executive ng localized suspension ng klase at trabaho sa government offices sa iba pang lugar depende sa sitwasyon.
Para naman sa private sector, nasa desisyon ng management kung magsususpinde ng trabaho o magpapatupad ng alternative work arrangements. RNT/MDS