Home HOME BANNER STORY WFH sa gov’t offices, alternative learning modes sa eskwelahan sa NCR at...

WFH sa gov’t offices, alternative learning modes sa eskwelahan sa NCR at ilang probinsya ipapatupad bukas, Agosto 18

1
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Malakanyang ang pagsasagawa ng Work-from-Home (WFH) sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan bukas, Agosto 18, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng habagat.

Ito ang nakasaad sa Memorandum Circular No. 128 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipatutupad ang WFH at suspension ng face-to-face classes sa National Capital Region, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna at Occidental Mindoro.

Hindi sakop ng WFH ang mga ahensya ng pamahalaang may kinalaman sa pag-deliver ng basic at health services, preparasyon at pagtugon sa sakuna at kalamidad.

Ipinauubaya naman ng Malakanyang sa mga Local Chief Executives ang kapangyarihang mag-pasiya kung kinakailangang suspendihin ang pasok sa mga lugar na kanilang nasasakupan na hindi napabilang sa memorandum circular.

Nasa diskresyon naman ng pamunuan ng pribadong sektor ang pagdeklara ng suspensyon sa trabaho.

Pinag-iingat naman ng Malakanyang ang lahat. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here