MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ng suspensyon ng face-to-face classes ang ilang paaralan sa Metro Manila ngayong Miyerkules, Abril 15, 2026.
Ito kaugnay ng nakatakdang tatlong araw na transport strike na magsisimula rin sa naturang araw. Inaasahang maaapektuhan ng tigil-pasada ang pagpasok ng mga estudyante at mga tauhan ng paaralan.
Ayon sa anunsyo ng Lyceum of the Philippines University Manila, lilipat muna sa online modality ang mga klase hanggang Abril 17, maliban sa Kitchen Lab, F&B, at Bar Management classes. Samantala, sinuspinde naman ng University of Santo Tomas ang face-to-face classes sa lahat ng antas. RNT