Home HOME BANNER STORY #WalangPasok, Huwebes, Abril 11 sa sobrang init

#WalangPasok, Huwebes, Abril 11 sa sobrang init

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo na ang iba’t ibang institusyong pangkarunungan ng suspensyon ng face-to-face classes para ngayong Huwebes, Abril 11, 2024 dahil sa mainit na panahon.

Kabilang dito ang:

Probinsya ng Bulacan – online classes for all levels, public and private, mula Abril 11 hanggang 13

Sa Caloocan City:

-daycare o early childhood care development: center-based program sa alternative venue mula Abril 8 hanggang 12;

-kinder to senior high school, single shift, morning classes, Abril 8 hanggang 12: face-to-face classes hanggang 6 a.m. to 11:30 a.m. lang tuwing Lunes at Martes, habang ipatutupad asynchronous  tuwing Miyerkoles at Huwebes; at face-to-face classes naman mula 6 a.m. to 9 a.m. tuwing Biyernes

-kinder to senior high school, afternoon classes, Abril 8 to 12: asynchronous tuwing Lunes at Martes; face-to-face classes mula 6 a.m. to 11:30 a.m. tuwing Miyerkoles at Huwebes, at face-to-face classes mula 9 a.m. to 12 p.m. tuwing Biyernes

University of Caloocan: Colleges of Education, Liberal Arts, Criminology, and Business and Accountancy maging ang Graduate School ay magpapatupad ng online classes mula Abpril 8 hanggang 14; College of Law classes, all on-the-job training for all courses at in-campus extra-curricular activities ay isasagawa na face-to-face mula Abril 8 hanggang 14

Makati City: shortened schedule: 6 a.m. to 10a.m. para sa morning shifts, at 3:30 p.m. to 7:30 p.m. para afternoon shifts

RNT