Home NATIONWIDE #WalangPasok, Martes, Sept. 3 sa hagupit ni Enteng

#WalangPasok, Martes, Sept. 3 sa hagupit ni Enteng

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang mga klase sa ilang lugar sa bansa –kabilang sa Metro Manila– nitong Martes, Setyembre 3, 2024, dahil sa epekto pa rin ng bagyong “Enteng” (international name: Yagi).

Nauna nang inanunsyo ng Malakanyang ang suspensyon ng klase sa pampubliko a pribadong eskwelahan at maging pasok sa gobyerno sa Metro Manila at Region IV-A, batay sa inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Samantala, kabilang sa mga lokal na gobyerno na nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ay ang:

Lalawigan ng Apayao – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Batangas province – all levels, public and private (lilipat muna sa modular distance learning)

Bulakan, Bulacan – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Calasiao, Pangasinan – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Lalawigan ng Cavite – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Concepcion, Tarlac – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Lalawigan ng Laguna – lahat ng antas, pampubliko at pribado

La Trinidad, Benguet – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Lungsod ng Marikina – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Meycauayan, Bulacan – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Nueva Ecija – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Lalawigan ng Pangasinan – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Quezon province – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Lalawigan ng Rizal – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Ang Sta. Maria, Bulacan – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Tarlac province – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Tuguegarao, Cagayan – Kindergarten hanggang Grade 12, ALS – pampubliko at pribado

RNT