Home HOME BANNER STORY #WalangPasok, Nob. 5 sa hagupit ni Tino

#WalangPasok, Nob. 5 sa hagupit ni Tino

282
0

MANILA, Philippines – Suspendido pa rin ang klase sa ilang bahagi ng bansa sa Miyerkoles, Nobyembre 5, 2025, dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong “Tino.”

Sa MIMAROPA, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Puerto Princesa City, Brooke’s Point, Kalayaan, Sofronio Española, Narra, at Quezon sa Palawan; Calintaan, Rizal, at San Jose sa Occidental Mindoro; at Odiongan at Ferrol sa Romblon.

Sa Western Visayas (Region VI), walang pasok at trabaho sa buong Antique. Suspendido rin ang klase sa Batad, Pototan, San Dionisio, Iloilo City, at Oton sa Iloilo; Binalbagan at Calatrava sa Negros Occidental; Malay sa Aklan; at Panitan sa Capiz.

Sa Central Visayas (Region VII), kanselado o limitado sa online learning ang klase sa ilang bahagi ng Cebu, kabilang ang Alegria, Argao, Alcantara, Aloguinsan, Asturias, Badian, Barili, Bogo City, Boljoon, Cebu City, Carmen, Ginatilan, Poro, Liloan, Carcar City, Compostela, Consolacion, Lapu-Lapu City, Talisay, at Ronda.

Sa Eastern Visayas (Region VIII), suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Culaba, Biliran.

Nag-anunsiyo rin ang Occidental Mindoro State College ng kanselasyon ng lahat ng klase at opisina sa lahat ng campus nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here