Home METRO #WalangPasok sa 5 lugar sa Calabarzon sa pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon

#WalangPasok sa 5 lugar sa Calabarzon sa pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon

LUCENA CITY- Idineklara Malacañang ang one-day “special non-working holiday” ngayong buwan sa limang lugar sa Batangas at Laguna para sa pagdiriwang ng local events.

Inanunsyo ng Palasyo na holiday sa San Pablo city, Laguna ngayong Lunes, January 15, para sa 29th Coconut Festival, isang thanksgiving rite para sa local coconut industry.

Sa Martes, January 16, magkakaroon din ng special fiesta holiday sa Batangas City.

Idineklara rin ng Malacañangang special non-working holiday sa January 18, Huwebes, sa Sta. Rosa, Laguna para sa 22nd founding anniversary ng lungsod at 25th Sikhayan Festival.

Gayundin, iprinoklama ng Palasyo ang holiday sa January 20, Sabado, sa Lipa city, Batangas para sa Coffee Festival.

Kilala rin bilang ‘Kapeng Barako Festival,’ kinikilala ng okasyon ang mayamang kultura ng Batangas at imahe nito bilang coffee granary ng bansa.

Samantala, sa January 31, Miyerkules, nagdeklara rin ng holiday sa Lian, Batangas.

Gugunitain ng bayan ang Liberation Day bilang pag-alala sa araw sa kasaysayan nang palayain ito ng mga Amerikano mula sa mga mananakop na Hapon noong January 31, 1945.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga proklamasyon base sa awtoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nilalayon umano ng mga deklarasyon na bigyan ang mag residente ng “full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebrations.”

Naka-post ang mga kopya nito sa Facebook pages ng local governments. RNT/SA

Previous articleKaso ng gastroenteritis cases sa Baguio City lampas 3,000 na!
Next articleOTC sa unconsolidated jeepneys: Mula Peb. 1 ‘wag bumiyahe kung ayaw mahuli