MANILA, Philippines – Sinuspinde ng ilang korte ang operasyon noong Lunes, Nobyembre 18 dahil sa sama ng panahon na dala ng Bagyong Pepito, ayon sa Supreme Court (SC).
Sa isang serye ng mga post sa X, sinabi ng SC na sinuspinde ng mga sumusunod na korte ang mga operasyon:
-San Fernando City Regional Trial Courts (RTC), Municipal Trial Court in Cities (MTCC), at Office Of The Clerk Of Courts (OCC); –Bacnotan Municipal Trial Court (MTC); San Juan-San Gabriel, La Union Municipal Circuit Trial Courts (MCTCs)
-Lahat ng korte sa loob ng hurisdiksyon ng Dagupan City RTC, Urdaneta City RTC, Tayug RTC, Alaminos City RTC, at Lingayen RTC sa Pangasinan
-Rosales RTC Branch 53, at MTCs Balungao, Rosales, at Sta. Maria sa Pangasinan
-Lahat ng korte sa loob ng hurisdiksyon ng Bauang RTC at Agoo RTC sa La Union
-Lahat ng korte sa loob ng hurisdiksyon ng Candon City, Tagudin RTC, Narvacan RTC, at Vigan RTC sa Ilocos Sur
-Lahat ng korte sa loob ng hurisdiksyon ng San Jose City RTC at RTC Sto. Domingo RTC sa Nueva Ecija
-Lahat ng mga korte sa loob ng hurisdiksyon ng Lagawe, Ifugao RTC
-Lahat ng korte sa lalawigan ng Nueva Vizcaya
-Lahat ng mga korte sa loob ng hurisdiksyon ng RTC Paniqui, Tarlac
-Lahat ng korte sa probinsya ng Benguet
-Baler, Aurora RTC
Suspendido rin ang klase sa ilang lugar dahil sa bagyo.
Inaasahang magpapatuloy si Pepito sa hilagang-kanluran sa Lunes sa ibabaw ng West Philippine Sea, pagkatapos ay lalabas sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes ng umaga o tanghali. RNT