Home NATIONWIDE #WalangPasok sa ilang lugar sa Nov. 6 sa matinding init, brownout

#WalangPasok sa ilang lugar sa Nov. 6 sa matinding init, brownout

6
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa sa Biyernes, Nobyembre 6, dahil sa inaasahang matinding init ng panahon at power interruption.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng suspensyon ang ilang lugar sa Albay at Nueva Ecija.

Sa Guinobatan, Albay, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan. Lilipat ang mga klase sa online o iba pang alternative modes of learning.

Ganito rin ang ipatutupad sa Tiwi, Albay, kung saan suspendido ang in-person classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa Jovellar, Albay, suspendido rin ang face-to-face classes, maliban sa mga paaralan sa Barangay San Isidro, Del Rosario, San Roque at Salvacion.

Suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Tabaco City, Albay.

Sa Bacacay, Albay, suspendido naman ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga apektadong mainland barangay.

Samantala, sa Talavera, Nueva Ecija, suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan. Lilipat muna ang mga klase sa online at iba pang alternative modes of learning.

Pinapayuhan ang mga estudyante at magulang na bantayan ang mga opisyal na anunsyo ng kani-kanilang lokal na pamahalaan at paaralan para sa posibleng karagdagang suspensyon ng klase. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here