MANILA, Philippines — Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa sa Miyerkoles, Setyembre 2, 2026, dahil sa patuloy na epekto ng Habagat, pagbaha at masamang lagay ng panahon.
Ayon sa PAGASA, patuloy na pinalalakas ng Tropical Storm Pilandok ang Habagat na nagdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon. Nananatiling malayo sa kalupaan ng bansa ang bagyo at walang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal.
Narito ang mga lugar na nag-anunsyo ng suspensyon ng klase:
PAMPANGA
San Simon — Lahat ng antas, pampubliko at pribado, maliban sa Concepcion Integrated School
Apalit — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Candaba — Lahat ng antas, pampubliko at pribado; lilipat sa Alternative Delivery Modes (ADM)
Guagua — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Masantol — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Minalin — Lahat ng antas, pampubliko at pribado; lilipat sa Alternative Delivery Modes (ADM)
Bacolor — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
City of San Fernando — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
PANGASINAN
Lingayen — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Aguilar — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Basista — Daycare hanggang Senior High School, pampubliko at pribado
Bautista — Lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan
Bayambang — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Binmaley — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Mangaldan — Lahat ng antas, pampubliko at pribado; lilipat sa Alternative Learning Modality
Bugallon — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
BULACAN
Calumpit — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
BENGUET
Atok — Preschool hanggang Senior High School, pampubliko at pribado
Itogon — Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Pinapayuhan ang mga estudyante at magulang na bantayan ang mga susunod na anunsyo ng kani-kanilang local government units at paaralan para sa posibleng karagdagang suspensyon ng klase. RNT