MAGKAKAMPI ngunit magkalaban.
Nakikita ngayon ang isang anyo ng pagiging magkakampi ngunit mahigpit na magkalaban sa pulitika sa pagitan nina Kabataan Partylist Representative Atty. Renee Louise Co at Palace Spokesperson Atty. Claire Castro.
Pero bilang isang pitik-bulag lang, parehong may konting utak sina Co at Castro sa pagiging cum laude sa kanilang pag-aaral ngunit hindi magna o summa cum laude.
Cum laude si Co sa kursong BA Political Science sa University of the Philippines Diliman, Quezon City at cum laude si Castro sa kursong Bachelor of Laws sa University of Santo Tomas.
Ngayo’y isang kongresman si Co at Palace spokesperson si Castro.
GIYERA PATANI
Naggigiyera-patani ngayon ang dalawa nang bigyan ng parangal na Doctor of Laws, Honoris Causa si Pangulong Bongbong Marcos ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila kamakailan.
Inatake ni Co si Marcos sa pagsasabing insulto sa mga estudyante at mga abogado mismo ang pagtanggap ng huli ang karangalan at hindi umano deserve ng Pangulo ang karangalan dahil hindi ito dumaan sa pukpukang paghihirap at pagsasakripisyo ng mga estudyanteng mag-aaral sa abogasya at mga abogado mismo.
Isa pa, sangkot umano ang pamilya Marcos sa mga isyung korapsyon at hindi magandang halimbawa si Marcos sa batas.
Para naman kay Castro, hindi naiintindihan ng mga kritiko, tulad ni Co, na hindi pang-akademiko ang karangalan kundi para sa kontribusyon ng isang tao sa lipunan at sa may mataas na posisyon.
Isa pa, bahagi ng laging pag-atake sa administrasyong Marcos ang ginagawa ni Co.
MAS MALALIM NA UGAT NG GIYERA
Kung iisipin, may higit na malalim na giyera na pinag-uugatan ng giyera-patani ng dalawa.
Walang iba kundi ang layon ng mga militante o Makabayan block ni Co na magtayo ng ibang anyo ng gobyerno sa Pilipinas tungo sa pagbabagong panlipunan at pampulitika.
Para magtagumpay ito, ginagamit ang mga armado at ligal na mga pamamaraan, kabilang na ang pagpasok sa gobyerno bilang mambabatas o iba pang anyo nito.
Kapag nakontrol na ang gobyerno ng mga militante, patungo ito sa pagbabago ng sistemang panlipunan at pampulitika mula sa isang kapitalista-imperyalista at bagong kolonyal na sistema patungo sa sosyalistang sistema hanggang makarating sa komunismo.
Papalitan ng mga manggagawa, magsasaka at progresibong bahagi ng lipunan, sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang mga kapitalista at imperyalista sa paghawak sa gobyerno at ekonomiya ng bansa.
Wawasakin din ng mga militante ang burukrata-kapitalismo o pagpapayaman sa poder.
At dito na klaro ang nagiging banggaan ng mga militante at nasa gobyerno.
Naniniwala ang mga militante na protektado ng pamahalaang Marcos ang mga kapitalista, imperyalista at burukrata-kapitalista at silang mga militante ang sisira sa nasabing umiiral na sistema.
VP SARA NGAYON, MARCOS SUSUNOD
Sa paniniwala ng ating Uzi, umiiral ang stratehikong sistema ng mga militante sa laban sa buong laban sa pamahalaan.
‘’Yun bang === sa ngayon, tinitingnan ng mga militante na bahagi ng pamahalaan si Vice President Sara Duterte na lumalaban sa kanila at dahil malakas ito, inuuna itong pabagsakin at dinaraan ito ngayon sa impeachment.
Kapag nagtagumpay sila laban kay VP Sara, isusunod na nila si Marcos na hindi nila ginagawa ngayon dahil pansamantalang kaalyado nila ito.
Paano kaya haharapin ni Castro ang alyansang militante-Marcos ngayon ngunit mabangis na magkaaway sa huli, gaya nang nangyari noong martial law?






