DALAWANG mabonggang birthday party ang naitala sa gitna ng kalamidad na dulot ng baha mula sa mahigit isang buwan nang pag-uulan, habagat at bagyo.
Mabongga dahil nagkaroon ng konsyerto ngunit magkaiba ang mensahe kahit lumilitaw na may kasiyahan.
Sa Fiesta ng Danum o Water Festival, lumusong sa gadibdib na baha sa Candaba, Pampanga ang Bagna Drumbeaters at doon nagpamalas ng galing sa paghahatid ng musika gamit ang mga drum at trumpeta.
Nagkataon din umanong may nag-birthday at kasama ang paglusong sa baha bilang kahilingan sa nag-alaala ng kanyang kapanganakan.
Gayunman, lumitaw na isinagawa na rin ang paglusong sa baha bilang malaking protesta sa nakalulungkot na kalagayan sa lugar at sa buong Pampanga.
Pampanga ang pinakatinamaan ng baha sa Central Luzon at kung isasama ang 4 patay rito sa 15 patay rin sa kadikit na lalawigang ng Bulacan, mahigit kalahati sila ng 33 namatay sa buong bansa.
Nasira sa sa baha ang bilyon-bilyong halaga ng pananim, imprastraktura, hanapbuhay at iba pa.
Nasa isang milyon ang nakararanas ngayon ng paghihirap, gutom, ‘di makapasok sa iskul na mag-aaral at maraming iba pa.
Bilang protesta, ipinaglalaban nila ang kanilang mga karapatan laban sa paghihirap, gutom, kamangmangan at iba pa at laban na rin sa mga korap na pangunahing dahilan ng mga pagbaha sa kanilang lalawigan.
Sa Malakanyang naman, napag-alamang idinaos ang konsyerto sa birthday ni First Lady Lisa Araneta-Marcos sa South Forbes, Makati City.
Agosto 26, 2026 iyon at ginanap habang lubog sa baha ang kalakhan ng Pampanga, Bulacan, Metro Manila at iba pa.
Kung panonoorin ninyo ang mga konsyerto, mga brad, ano-ano ang mga naiisip at nararamdaman ninyo?
Pa-birthday party pa more?






