Home METRO #WalangPasok sa Marikina City bukas, Abril 16

#WalangPasok sa Marikina City bukas, Abril 16

MANILA, Philippines – Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Marikina City ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga paaralan bukas, Abril 16 bilang paggunita sa ika-394 founding anniversary ng lungsod.

“In celebration of the founding anniversary of Marikina City, pursuant to Republic Act No. 10788, I am pleased to announce that April 16, 2024 will be observed as a special working holiday, with no classes in all levels in public and private schools in the entire city of Marikina. This anniversary serves as a poignant reminder of our city’s illustrious past and the indomitable spirit of its people,” sinabi ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro.

Bukod sa suspensyon ng klase, inilabas din ng lokal na pamahalaan ang listahan ng mga aktibidad bilang pagdiriwany sa founding anniversary ng Marikina. RNT/JGC