MANILA, Philippines – Suspendido ang klase ngayong Miyerkules, Setyembre 3, 2025, sa ilang lugar sa Isabela at Metro Manila dahil sa masamang panahon.
Sa Santiago, Isabela, kanselado ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, upang bigyang-daan ang clearing at cleaning operations ng lokal na pamahalaan.
Sa Navotas City, sinuspinde rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan dahil sa tuloy-tuloy na ulan at pagbaha.
Kabilang sa mga apektadong paaralan ang Bagumbayan Elementary School, Navotas National High School, Navotas National Science High School, Tanza Elementary School, at Tanza National High School. RNT