Home METRO #WalangTubig sa ilang bahagi ng NCR, Rizal mula Abril 23 ‘gang 26

#WalangTubig sa ilang bahagi ng NCR, Rizal mula Abril 23 ‘gang 26

MANILA, Philippines- Makararanas ang Manila Water customers sa ilang lugar sa Metro Manila at Rizal ng pagkaantala sa suplay ng tubig mula April 23 hanggang 26 dahil sa isasagawang maintenance activities.

Sa abiso nitong Lunes, sinabi ng Manila Water na kasado ang maintenance works sa mga sumusunod na lugar:

Marikina City

April 23, 9 p.m. hanggang April 24, 6 a.m.

  • Ilang bahagi ng Barangay Nangka, dahil sa network maintenance sa Bayabas corner J.P. Rizal Street

Quezon City

April 23, 10 p.m. hanggang April 24, 4 a.m.

  • Ilang parte ng Barangay Culiat, dahil sa line maintenance sa Tandang Sora corner San Ponciano Street

Taguig City

April 23, 10 p.m. hanggang April 24, 4 a.m.

  • J.P. Rizal Street, A. Bonifacio, Tagum, Tibi, Lapu-Lapu, Ricahuerta, Legazpi, Upper Bicutan Lower Portion, dahil sa step testing sa JP Rizal corner A. Bonifacio

April 25, 10 p.m. hanggang April 26, 4 a.m.

  • Pag-asa Street, 3rd Street, 1st Street, Mabolo, Mangga, Balimbing, Rambutan, Santol, Sampaloc Exit, Kamias, dahil sa step testing at zero pressure test sa Pag-asa corner MRT, Katuparan

Antipolo, Rizal

April 23, 10 p.m. hanggang April 24, 4 a.m.

  • Ilang bahagi ng Barangay San Jose (kahabaan ng Circumferential Road), dahil sa zero pressure test sa Circumferential Road, San Jose

Gayundin, inabisuhan ng Manila Water ang mga apektadong residente na hintaying luminaw muna ang daloy ng tubig bago ito gamitin. RNT/SA