Home HOME BANNER STORY Bilang ng Chinese ships sa West PH Sea dumarami – PH Navy

Bilang ng Chinese ships sa West PH Sea dumarami – PH Navy

MANILA, Philippines- Naobserbahan ang dumaraming bilang ng Chinese vessels sa West Philippine Sea kasabay ng pagsasagawa ng annual war games sa pagitan ng Manila at Washington.

Nitong Martes, inilabas ng Philippine Navy ang datos na nagpapakita na may kabuuang 124 China Coast Guard at People’s Liberation Army-Navy warships, maging hinihinalang Chinese maritime militia vessels, ang na-monitor mula April 16 hanggang 22.

Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 79 Chinese vessels na naitala mula April 9 hanggang 15, base sa Navy.

Nagsimula ang 39th iteration ng “Balikatan” (shoulder-to-shoulder) exercises nitong Lunes.

Nilahukan ang nasabing aktibidad ng 16,000 tauhan kabilang ang contingents mula sa Australian Defense Force, base sa French Navy at sa Philippine Coast Guard.

Sinabi ni Maj. Gen. Marvin Licudine, exercise director ng Balikatan, inaasahan nila ang pagdami ng Chinese vessels sa lokasyon sa gitna ng drills. RNT/SA