Home METRO #WalangTubig sa ilang bahagi ng Rizal ‘gang Mar. 9  

#WalangTubig sa ilang bahagi ng Rizal ‘gang Mar. 9  

MANILA, Philippines- Mawawalan ng tubig ang ilang barangays sa Antipolo City, San Mateo, Binangonan at Taytay na tatagal hanggang anim na oras, hanggang March 9.

Inanunsyo ng Manila Water sa social media pages nito na walang tubig mula alas-10 ng gabi sa March 6 hanggang alas-4 umaga sa March 7, Huwebes, sa ilang bahagi ng Antipolo, San Mateo, at Binangonan.

Sa Antipolo City, magreresulta ang emergency leak repair sa kahabaan ng Daang Bakal corner Sumulong Highway sa Barangay Dela Paz sa kawalan ng tubig sa ilang lugar partikular sa Purok Kalayaan, Nagkakaisang Mahirap ng Daang Bakal; Fairmount Subdivision, Victoria Valley Subdivision, Parkridge Subdivision, Kristina Homes, Hinulugang Taktak, Summerville, Pinagmisahan; Sitio Sampaguita, Villa Cristina, Luzville, Taktak Road at J.P. Rizal. 

Sa San Mateo, walang water service sa ilang parte ng Barangay Ampid 1 mula alas-10 ng gabi ng March 6 hanggang alas-4 ng madaling araw ngayong March 7 dahil sa line meter at strainer declogging works ng Manila Water.

Ngayong Huwebes, March 7, simula alas-10 ng gabi, makararanas ng water service interruption sa ilang bahagi ng Binangonan partikular sa ilang parte ng Barangay Batingan, Layunan, Calumpang, Libis, Libid, Lunsad, Pila-Pila, Limbon-Limbon, Ithan, Darangan, Pantok, Bilibiran, Tagpos, Tayuman, at Palangoy, hanggang alas-4 ng madaling araw sa March 8, dahil sa line maintenance activities ng Manila Water. 

Simula March 8, mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Taytay, partikular sa Barangay Sta. Ana hanggang alas-4 ng madaling araw sa March 9, sa nakatakdang line meter at strainer declogging works ng Manila Water sa Ejercito Avenue.

Mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa March 9, walang tubig sa Barangay Dolores (Poblacion area) at ilang bahagi ng Barangays Santa Ana at San Juan, kapwa mga lugar sa Taytay, Rizal dahil sa scheduled line maintenance activities ng Manila Water.

Sa Cainta, mawawalan ng tubig sa Barangay San Juan at Greenland Subdivision mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng maddaling araw sa March 9, sa pagsasagawa ng Manila Water ng line maintenance works sa P. Ocampo corner Rizal Avenue.

Ipinatupad ng Manila Water ang extended water interruption nitong March 6 dahil sa pagkaantala sa maintenance works sa Circumferential Road sa Barangay San Roque. RNT/SA

Previous articleBong Go sa NAIA pest infestation: ‘NAKAHIHIYA SA MGA BISITA’
Next articleAustralian Senator Janet Rice ipinadedeklarang persona non grata