Home METRO Walk at Peace Covenant Signing isinagawa sa Maynila

Walk at Peace Covenant Signing isinagawa sa Maynila

Isinagawa ngayong araw ang Walk at Peace Covenant Signing para sa opisyal na paglulunsad ng kampanya para sa Secure, Accurate, Free, and Fair 2025 National and Local Elections.

Alas-6 ng umaga ng nagtipon-tipon ang mga kinatawan mula sa gobyerno, law enforcement agencies, relihiyosong sektor, at iba pang grupo ng lipunan upang pagtibayin ang kanilang paninindigan para sa isang ligtas, tapat, at maayos na halalan.

No description available.

Tanging ang ticket lang ng kasalukuyang pamunuan o team Asenso Manileño na pinangunahan ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang dumalo at nakiisa sa nasabing peace covenant signing.

Sa ilalim ng kasunduang ito, nangako ang mga lumagda na:

-Siguruhin ang seguridad ng bawat Pilipino sa pagboto, malaya sa banta, pananakot, o karahasan.

-Pangalagaan ang katumpakan ng halalan sa pamamagitan ng tamang pagpapatupad ng mga proseso alinsunod sa batas at regulasyon ng COMELEC.

-Ipagdiwang ang kalayaang bumoto nang walang pamimilit o panlilinlang, at tiyakin ang patas na pagtrato sa lahat ng kandidato.

-Panatilihin ang kapayapaan sa tulong ng komunidad at mga otoridad.

Dumalo din sa naturang aktibidad ang mga miyembro at opisyales ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Commission on Elections, at iba pang opisyal ng gobyerno at simbahan.

Panawagan nila sa bawat Pilipino—kandidato man o botante—na magkaisa tungo sa isang mapayapa at maayos na halalan.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)