Home METRO Walkthrough sa ruta ng Traslacion 2026, ikinasa

Walkthrough sa ruta ng Traslacion 2026, ikinasa

271
0

MANILA, Philippines – Bagamat may panaka-nakang pag-ulan ngayong umaga, itinuloy pa rin ang Walkthrough para sa ruta ng Traslacion 2026.

Bandang alas-5 ng umaga nang simulan ang aktibidad sa Quirino Granstand sa Luneta kung saan doon magsisimula o manggaling ang imahe ng Nazareno sa Enero 9, 2026.

Tatahakin ng ruta ng Traslacion hanggang sa simbahan ng Quiapo.

Kasama sa Walkthrough ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo at ilang opisyal ng ahensya ng pamahalaan.

Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Nazareno 2026.

Ang pangunahing layunin nito ay upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat sa daraanan ng prusisyon.

Inaasahan na aabot sa milyong deboto ang makikiisa sa Traslacion kaya naman puspusan na ang paghahanda ng simbahan ng Quiapo at ilang ahensya ng pamahalaan kasama na ang Manila LGU sa mga paghahanda. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here