Home ENTERTAINMENT Wally, nag-sorry sa pagmumura sa E.A.T.!

Wally, nag-sorry sa pagmumura sa E.A.T.!

Manila, Philippines – Anything happens on a live show.

Ang noontime show na E.A.T. sa TV5 goes live from Monday to Saturday.

Bukod sa mga kaganapan right at the studio ay may mga goings-on din sa labas tulad ng Sugod Bahay Mga Kapatid segment.

May split screen para i-monitor ito with direct communication with the studio.

Ang nasabing segment ay tinitimon nina Jose Manalo bilang “Mayor,” Zombie Tugue at Wally Bayola bilang Dabarguard.

Sa August 10 episode, hindi sinasadyang makapagmura ng “Put…ina!” si Wally.

Bagama’t inilayo na niya ang mic sa kanyang bibig ay narinig pa rin ang audio nito.

Maging ang mga Dabarkads sa studio ay nagulat din, pero tuloy pa rin ang segment as if nothing happened.

Dahil dito’y kinuha ni Jose ang pagkakataon sa August 11 episode ng E.A.T. na introhan ang mahalagang mensaheng nais nilang itawid sa mga manonood.

Sinadya man o hindi, dapat ay ihingi nila ng dispensa ang pagkakamaling nagawa.

Mahalaga raw sa kanila ang pagtanggap ng kanilang pagkakamali kasabay ng pangakong hindi na ‘yon muling mauulit.

Saka tinawag ni Jose si Wally na halatang nahihiya sa kanyang ginawa.

Doon na humingi ng pasensya si Wally sa ginawang pagmumura without justifying his unintentional act.

Kamakailan ay sinilip ang “pagsibasib” ni Tito Sotto sa asawang si Helen Gamboa, na dapat din daw i-sanction ng MTRCB.

Ang anak nina Tito at Helen na si Lala ang kasalukuyang hepe ng nasabing ahensya who saw nothing wrong with it.

Ang “racist joke” naman ni Jose kay Zombie sa Sugod Bahay Mga Kapatid segment ang sumunod na pinuntirya ng mga netizens.

Pero nilinaw ni Zombie na good vibes lang daw sila sa E.A.T., hence walang isyu o big deal sa biro na ‘yon ni Jose sa kanya. Ronnie Carrasco III