Home NATIONWIDE Wanted na rapist sa Pasig, tiklo sa Caloocan

Wanted na rapist sa Pasig, tiklo sa Caloocan

213
0

MANILA, Philippines – TIKLO ang isang wanted na rapist sa Pasig City nang matunton ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Caloocan City.

Ayon kay NPD District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng NPD District Anti-Canapping Unit (DACU) na nagtatago sa Caloocan ang 37-anyos na wanted sa kaso ng Pasig City.

May nakabinbin na warrant of arrest ang akusado na inilabas ng Pasig Regional Trail Court, Branch 162, noong November 12, 2021 para sa kasong multiple Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.

Kaagad ikinasa ng mga tauhan ng DACU ang pagtugis sa akusado hanggang sa makorner nila ito dakong alas-12:50 ng tanghali sa Deparo Hills 2, Brgy., 168, Caloocan City.

Maayos naman umanong naisilbi ng mga tauhan ni Gen. Dela Cruz ang warrant laban sa akusado kung saan gimamit ang mga ito ng Alternative Recording Device para sa documentation.

Pansamantalan nakapiit ang akusado sa NPD-DACU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte na nag-isyu ng warrant.

Pinuri naman ni General Dela Cruz ang arresting team sa kanilang hindi natitinag na pangako na nagpapalakas aniya ng tiwala ng publiko at hinimok ang mga tauhan na ipagpatuloy ang antas ng pagganap paglilingkod sa komunidad nang may kahusayan. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here