Home METRO Wanted sa patong-patong na kaso ng rape, arestado sa Bataan

Wanted sa patong-patong na kaso ng rape, arestado sa Bataan

91
0

BATAAN- Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang Wanted Person na may patung-patong na kaso ng rape sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, kinilala ang suspek na si alyas “Gido”, 57 anyos na Wanted sa kasong 3 counts of Rape by Sexual Assault at 3 counts of Act Lasciviousness.

Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng korte.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here