Home NATIONWIDE War on drugs ibinida ni PBBM: Pagpatay ‘di kasama

War on drugs ibinida ni PBBM: Pagpatay ‘di kasama

95
0

INILATAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga.

Tiniyak ng Pangulo na hindi kasama rito ang pagpatay.

“On the fight against dangerous drugs, our bloodless war on dangerous drugs adheres, and will continue to adhere, to the established ‘8 Es’ of an effective anti-illegal drugs strategy,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Extermination was never one of them,” dagdag na wika nito.

Sa kabila ng “bloodless” drug war, tinuran ni Pangulong Marcos na ang kampanya ng kanyang administrasyon ay nagresulta ng pagkumpiska sa P44 bilyong halaga ng ilegal na droga at mahigit sa 97,000 drug personalities sa mahigit na 71,500 operation nito.

Iniulat ni Pangulong Marcos na mahigit sa 6,000 ng mga naaresto ay pawang mga high-value targets, 440 sa mga ito ay mga empleyado ng gobyerno kung saan 42 ang uniformed personnel habang 77 naman ang elected officials.

Gayundin, sinabi ng Pangulo na mahigit sa P500 milyong halaga ng “dirty money and assets” ang ‘frozen and preserved.’

“With strong case build-up and efficient prosecution, the drug conviction rate is at a high of 79 percent,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang Ulat sa Bayan.

Samantala, tinuran pa rin ng Punong Ehekutibo na ang bilang ng mga drug drug-affected barangay sa bansa ay nabawasan na ng 32%.

Mahigit 6,000 katao naman ang namatay sa anti-narcotics campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, subalit ibinuking naman ng rights groups na umabot sa 30,000 ang napatay. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here