Home HOME BANNER STORY Warehouse sa Pampanga na may P3B shabu, pag-aari ng Chinese ‘di Pinoy...

Warehouse sa Pampanga na may P3B shabu, pag-aari ng Chinese ‘di Pinoy – House panel

MANILA, Philippines – Posibleng pag-aari ng isang Chinese national ang warehouse sa Mexico, Pampanga na nakuhanan ng halos P3 bilyong halaga ng shabu.

Kasabay ng pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs nitong Miyerkules, Mayo 22, nadiskubre ng mga mambabatas na ang may-ari ng warehouse na Empire999 na kamakailan ay nilusob, ay isang Chinese, kabilang ang isang “Willie Ong.”

“They own 55% of Empire 999 Realty Corporation, which is in direct violation of the constitutional limitation of the 60-40 equity,” pahayag ni Rep. Robert Ace Barbers, committee chairperson.

“The SEC [Securities and Exchange Commission] must now cancel their registration and dissolve the corporation. They are not Filipinos. Their Philippine passports must be immediately canceled,” dagdag pa niya.

Ayon sa House panel, ang kapanganakan ni Ong ay late din na nairehistro, kapareho sa kaso ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

“[The] PSA [ Philippine Statistics Authority ] confirmed his existence, not by a Certificate of Live Birth but by a mere certification allegedly issued by a Local Civil Registrar (LCR) in Meycauayan, Bulacan, dated August 31, 2001. The certification states that one Willie Ong was born there on May 29, 1977,” ani Barbers.

Ayon sa representative ng PSA, “The birth certificate of Mr. Willie Ong loaded in our system is based on the endorsement letter that we received from the former LCR, which was dated August 13, 2003.”

Hindi naman dumalo si Ong sa imbestigasyon at pinaniniwalaang nakalipad na palabas ng bansa noong Oktubre 2023 gamit ang isang Chinese passport at fake identity.

“Cai Qimeng, born on July 24, 1977 departed for Hong Kong on October 10, 2023, the day after we started this investigation. Cai Qimeng’s photograph is exactly identical with Willie Ong’s,” dagdag ni Barbers.

Samantala, inakusahan si Ong na nagmamay-ari ng mga titulo ng lupa sa bansa na labag sa Konstitusyon ng Pilipinas.

“What the [Land Registration Authority] does in this case would be to file an endorsement with the Office of the Solicitor General (OSG) for the forfeiture of the properties,” ayon sa abogado na si Atty. Salvalente Elizade.

“Kailangang may kaso sa court. However, we commit right now that we will monitor the properties,” dagdag niya.

Anang OSG, maaaring ihain ang reversion proceedings kaugnay nito.

Naglabas na ng show cause order ang House panel kay Michael Yang, adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa bigong pagdalo sa congressional hearing sa P3-billion drug bust sa Pampanga.

Si Yang ay inirepresenta ng kanyang abogadong si Raymond Fortun sa pagdinig.

Ipinaliwanag niya na ang kanyang kliyente ay kasalukuyang nasa Dubai. RNT/JGC