Home NATIONWIDE Warrant of arrest vs mga sangkot sa P1.877B shabu ibinalik ng SC

Warrant of arrest vs mga sangkot sa P1.877B shabu ibinalik ng SC

1
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Court of Appeals at ibinalik ang warrant of arrest laban kay Bernand Lu Chong kaugnay ng pagkakasabat ng P1.877 bilyong halaga ng ilegal na droga noong 2019.

Sa desisyong inilabas nitong Lunes, Oktubre 5, pinagbigyan ng 2nd Division ng SC ang petisyon ng Office of the Solicitor General na kumwestyon sa desisyon ng CA na nagsabing nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Branch 23 ng Manila Regional Trial Court na naglabas ng arrest order.

Ibinabalik ng SC ang kaso sa nasabing Korte para sa karagdagang paglilitis at inutusang resolbahin ito “with utmost dispatch.”

Nag-ugat ang kaso sa joint operation noong Marso 22, 2019 sa Manila International Container Port na nagresulta sa pagkakasabat ng 276,344.82 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu. Nakatago ang kontrabando sa mga sako ng plastic resin sa loob ng 40-foot container na galing Vietnam na naka-consignee sa Fortuneyield Cargo.

Bagama’t iginiit ni Chong na naibenta na niya ang kanyang shares at nagbitiw na bilang presidente ng Fortuneyield bago dumating ang shipment, ipinakita ng prosekusyon na sa Client Profile Registration Form na isinumite sa Bureau of Customs, nakalista si Chong bilang general manager na responsable sa kabuuang operasyon ng kumpanya.

Paliwanag ng SC sapat na ang probability , hindi pa kailangang patunayan ang tiyak na nagkasala sa paglalabas ng warrant.

Marine managot ang corporate officer sa ilalim ng Dangerous Drugs Act.

Samantala, sinabi ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na ang laki ng nasabat na droga ay nangangailangan ng koordinadong kilos at hindi lang ng iisang tao.

“When a judge issues a warrant of arrest following the seizure of a considerable quantity of dangerous drugs, such determination should not be lightly disturbed absent a clear showing of grave abuse of discretion,” ani Leonen.

Aniya, dapat balanse ang hustisya para sa akusado at sa Estado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here