Home SPORTS Warrios lalayasan na ni Klay

Warrios lalayasan na ni Klay

Lalayasan na ni shooter Klay Thompson ang Golden State Warriors at si Stephen Curry sa susunod na season ng National Basketball Association (NBA).

Naging paksa ng mga tsismis noon pang nakaraang season na lilisanin na ni Klay ang GSW at mukha ngang magkakatotoo ito.

Ang beterano ng Warriors ay sinasabing  hindi na napigilang pumasok sa free agency ngayong summer at maaaring iwan na si Steph at ang prangkisa na ginugulan niya ng 13 taon.

Si Thompson ay iniulat na nagpapakita ng interes mula sa mga interesado rin sa kanyang koponan na Oklahoma City Thunder at Philadelphia 76ers.

Lumakas ang ingay na ito at naging paksa ng kanyang fans sa social media matapos niyang i-unfollow ang Warriors at alisin ang lahat ng bakas ng kanyang kampeonato noong 2022 sa sarili niyang Instagram

Ang ganitong hakbang ay karaniwang nagpapahiwatig na ang isang manlalaro ay naghahanda nang umalis sa isang koponan.

Pero sinasabing pinaplano ng Golden State ang isang potensyal na extension para kay Thompson.

Gayunman, malamang na subukan ni Klay ang kanyang market sa sandaling magbukas ang free agency.

Samakatuwid, ang kanyang aktibidad sa social media ay maaaring magkatotoo at tuluyang lisanin ang Bay Area para sa isang pagkakataon na may ibang koponang kumuha sa kanya. NATS TABOY