Home HOME BANNER STORY P6.2B national budget sa 2025 ihihirit ni PBBM

P6.2B national budget sa 2025 ihihirit ni PBBM

MANILA, Philippines — Inaasahang hihirit ng spending bill ang administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr. na nagkakahalaga ng P6.2 trilyon para sa 2025, ayon kay Speaker Martin Romualdez.

Ang administrasyon ay hindi nagsumite ng kanilang plano sa paggastos, ngunit sinabi ni Romualdez na ang panukala ay mas mataas ng P500 bilyon kaysa sa P5.7 trilyong pambansang badyet ngayong taon.

Nakatakdang simulan ng 19th Congress ang ikatlo at huling sesyon nito sa Hulyo 22 sa ikatlong State of the Nation Address ng Pangulo, at iniaatas ng Konstitusyon na ang badyet ang pangunahing gawain ng parehong kapulungan ng Kongreso. RNT