Home METRO Water level ng Angat Dam nananatiling mas mababa sa kritikal na antas

Water level ng Angat Dam nananatiling mas mababa sa kritikal na antas

3
0

BULACAN, Philippines – Patuloy na bumababa ang water level ng Angat Dam kahit may malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat, ayon sa PAGASA.

Noong Hulyo 11, naitala ang antas ng tubig sa 156.10 metro, mas mababa ng 0.27 metro kumpara sa 156.37 metro noong nakaraang araw. Nananatili itong mas mababa sa 160 metrong kritikal na antas.

Ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umaabot sa halos kalahating metro bawat araw ang ibinababa ng tubig sa dam.

Ang normal na mataas na antas ng tubig sa Angat Dam ay 210 metro tuwing tag-ulan at 212 metro tuwing tag-init.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na posibleng magsimulang tumaas ang lebel ng tubig sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo dahil sa pag-ulan ng Habagat.

Inaasahan ding makatatanggap ng 50 hanggang 100 milimetro ng ulan ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Bulacan, kung saan matatagpuan ang Angat Dam. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here