Home NATIONWIDE Water level ng Angat Dam sumadsad sa minimum operating level

Water level ng Angat Dam sumadsad sa minimum operating level

MANILA, Philippines- Bumaba ang water level sa Angat Dam sa minimum operating level nitong Linggo, ayon state weather bureau PAGASA.

Mula sa 181.20 metro noong Sabado, bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa 180.95 metro nitong Linggo.

Ang minimum operating sa Angat Dam ay 180 metro.

Sumadsad pa ang water level ng dam nitong Lunes ng alas-8 ng umaga sa 180.73 metro.

Sinusuplayan ng Angat Dam sa Bulacan ang halos 90% ng pangangailangan sa tubig sa Metro Manila, Rizal, at ilang bahagi ng Cavite at Bulacan.

Nitong Biyernes, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na ibinaba nito ang water allocation para sa Metro Manila.

“Maliit siya in terms of the total volume. Two percent lang siya ng 50 (cubic meters per second.) Pero ang 1 cubic meter per second kasi is good as a supply for about 400,000 people,” pahayag ni DENR Undersecretary Carlos Primo David.

“Wala pa ring magiging interruptions na mangyayari. Ang pinakamararanasan ng ilan sa ating mga residente ay ang pagbaba ng water pressure even during the day time,” dagdag niya. RNT/SA