Home METRO Puganteng Japanese nadakip ng BI

Puganteng Japanese nadakip ng BI

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 38-anyos na Japanese na wanted dahil sa pagdukot at pagkidnap sa Osaka, Japan.

Nabatid sa BI, inaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit na pinamumunuan ni chief Rendel Sy ang puganteng Japanese national sa isang kilalang casino hotel sa Parañaque City.

Nabatid kay Sy, batay sa rekord ay umabot sa limang katao ang naging biktima ng suspek sa Japan kaya’t maikokonsidera na itong serial rapist.

Ayon pa sa opisyal, isa sa mga naging biktima ng suspek ay menor-de-edad.

Sa nakuhang impormasyon ng National Bureau of Investigation, nagsimula ang krimen ng suspek noong 2016. Tumanggap ng matinding pambubugbog at maraming sekswal na pananakit ang kanyang mga biktima.

Aalamin naman ng mga awtoridad kung mayroong naging biktima ang suspek sa bansa bago ito ipa-deport sa Japan.

Idinagdag pa ni Sy na ang Japanese national ay nasa Pilipinas mula noong 2019, bago inilabas ang kaso nito sa Japan.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa detention facility ng BI sa Bicutan, Taguig City. JAY Reyes