Home NATIONWIDE Water survival skills, paglangoy palalakasin ng Boy Scouts

Water survival skills, paglangoy palalakasin ng Boy Scouts

1
0

MANILA, Philippines — Nais palakasin ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang pagsasanay sa paglangoy at water survival ng mga miyembro nito bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan at kaligtasan ng kabataan sa panahon ng emerhensiya at outdoor activities.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, tatalakayin ang panukala sa nakatakdang pambansang pagpupulong ng BSP. Kasunod ito ng pagkamatay ng dalawang student-athletes ng Ateneo de Manila University sa Aurora na muling nagbigay-pansin sa usapin ng water safety.

“Hindi natin kontrolado ang lahat ng pagsubok na maaaring kaharapin ng ating mga kabataan, ngunit maaari natin silang ihanda. Ang kaalaman sa kaligtasan at survival ay maaaring maging pagkakaiba sa pagitan ng panganib at pag-asa, at minsan, sa pagitan ng buhay at kamatayan,” ani Angara sa paglulunsad ng World of Scouting: Heritage and Adventure Camp sa Makati City.

Sinabi ni Angara na mahalagang mabigyan ang mga mag-aaral ng praktikal na kasanayan sa pagtugon sa mga emerhensiya at iba pang totoong sitwasyon, bukod sa akademikong kaalaman.

Binigyang-diin din niya ang naging pagtugon ng mga guro sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao noong Hunyo 8.

“Before they became instructors, they became protectors. Before they checked on things, they checked on children,” aniya.

Si Angara ang nagsisilbing ex officio national president at chairperson ng BSP. Aniya, patuloy na pinalalakas ng DepEd ang mga programa kaugnay ng disaster preparedness, emergency response, child protection, at mental health.

Wala pang inilalabas na partikular na panukala ang BSP kaugnay ng planong pagpapalawak ng swimming at water survival training. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here