Home NATIONWIDE Wawao Builders, SYMS Construction Trading pinatawan ng lifetime ban ng DPWH

Wawao Builders, SYMS Construction Trading pinatawan ng lifetime ban ng DPWH

352
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes na nagpatupad sila ng lifetime ban sa mga contractor na Wawao Builders at SYMS Construction Trading na nasa likod ng mga napaulat na ghost projects sa Bulacan.

Wawao Builders ang nasa likod ng ghost project na binisita at ininspeksyon ni Dizon sa Barangay Sipat, Plaridel sa Bulacan.

Ang flood control project ay idineklara na natapos noong 2024, ngunit nang siyasatin ito ni Dizon, ang contractor ay nagsimulang makahabol sa konstruksyon tatlong linggo na ang nakakaraan.

“Ang tawag ko rito, patay na pero pinipilit buhayin kasi nabayaran na siya e noong last year. Sabi dito ng DPWH, 100% completed na ito last year,” saad ni Dizon.

“Pero siguro, three weeks ago, umiinit, nag-iimbestiga na ang Senado at Kongreso, nagalit na ang Pangulo, pinipilit buhayin yung patay. Wala na. Klarong-klaro ghost project ito,” dagdag niya.

Samantala, ang SYMS Construction Trading ang nasa likod ng ghost project na binisita ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. sa Barangay Piel, Baliuag noong Agosto 20. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here