MANILA, Philippines – Tiniyak ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, sa publiko na ligtas ang kanilang website sa gitna ng ulat ng tangkang hacking.
Pinangunahan ni Balilo ang imbestigasyon matapos ipagbigay-alam ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ahensya tungkol sa umano’y tangkang pagpapabagsak sa website.
“A DICT personnel inquired last month if we monitored any attempt to hack our website, but so far, we have not monitored anything. Our website remains secure,” sabi ni Balilo.
Inatasan na rin ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, ang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) na patuloy na makipag-ugnayan sa DICT at maging mapagmatyag.
“We will ensure that the website is secure, that there is enough firewall to prevent it from being infiltrated by hackers,” pagtitiyak pa ni Balilo.
“While the website is for public consumption, we do not want hackers polluting our site with fake news and making it appear that we authored the spread of falsehoods. We must also protect the site from computer viruses,” saad ng coast guard admiral. Jocelyn Tabangcura-Domenden