Home NATIONWIDE Website sa pagberipika ng legit online gaming inilunsad ng PAGCOR

Website sa pagberipika ng legit online gaming inilunsad ng PAGCOR

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nitong Miyerkules ang isang website kung saan maaaring makita ng publiko ang pagiging lehitimo ng mga online gaming provider.

Sinabi ng PAGCOR na ang “PAGCOR Guarantee” site (www.pagcor.ph/pagcorguarantee) ay nilalayong sugpuin ang mga ilegal na online game at palakasin ang proteksyon ng mga manlalaro.

Sinabi pa ng gaming industry regulator na ang inisyatiba ay naglalayong magbigay ng transparent at maaasahang sanggunian para sa mga manlalaro at stakeholders, sa gitna ng paglaganap ng mapanlinlang na online gaming sites.

Tampok sa PAGCOR Guarantee site ang regular na pag-update ng listahan ng mga lisensyadong internet gaming platforms na nasa ilalim ng pangangasiwa ng ahensya.

Maaari ring direktang makapasok ang mga manlalaro sa mga gaming site sa pamamagitan ng naturang page.

Jocelyn Tabangcura-Domenden